Ash Wednesday
Gandang araw nito. Nagreview lang nung umaga katabi ko yung mga friends ko sa kabilang section tapos nagda-drawing lang yung katabi ko tas ang harot harot niya. Nakatulog ako nung review namin sa Science tapos ang init nung review sa English kasi pinagkasya kaming lahat ng fourth year sa isang room eh.
Naging ok naman tong araw na to walang nakaka-badtrip masyadong nangyari. Fail nga lang kasi wala yung nagtitinda ng fishball tsaka kwek-kwek sa loob ng school.
Nagsimba kami kasi Ash Wednesday ngayun, ang dami lang namin. Tapos 11 kaming magkakatabi sa isang row na magkakaklase pang 12 si mama kasi nakita niya ako sa simbahan. Pinakilala ko na rin si mama sa mga tropapipz. Kumain rin pala kami ng street foods sa labas bago magmisa kasi nagantay pa kami, naubusan nga ako ng baryang pang offer buti nalang dumating si mama.
Saya lang kasama nila Edrex, Ayeza, Yasmine, Arlyn, Jolina, Glosh, Alden, Dyosa, Gill, Brenda, Pen tsaka nung iba pa naming kasama :)






