Gordo <3 Lizzie
Buong pagkabata ko nakahiligan ko ng manood ng Lizzie McGuirre sa disney channel. Usong-uso pa sakin yan dati, wala na ngang Lizze McGuirre ngayun.
Sa kanilang dalawa ako pinaka-kinikilig kasi sila yung tipo na magbestfriends pero si Gordo may gusto kay Lizzie, eh itong si Lizzie naman crush tong di naman ganun kapogian na lalaki pero sikat sa school nila. Ito namang si Gordo eh kahit na sinasabi niya na hindi siya sikat sa school nila, di daw siya Jock at kung ano ano pa ok lang naman siya sweet nga siya eh, meron pang episode na hindi nakasama sa Ball si Lizzie tapos hindi na rin pumunta si Gordo sabi niya bakit pa daw siya pupunta eh hindi nga makakapunta yung bestfriend niya, nagdala pa siya ng donuts sa bahay nila.
Pinaka-sweet na moment talaga yung sa Lizzie McGuirre the movie eh. Kahit nakikipag date si Lizzie sa iba pinagtatakpan ni Gordo si Lizzie na hindi siya umaalis tapos ayun nahuli pero si Gordo yung napagalitan tapos nagkiss naman sila in the end. Ayieee ang sweet lang talaga nila.
May sense kasi yung pinagsamahan nila eh. Basta. Ganda talaga ng story.






