Dear Girls,
Oo babae din naman ako eh. Pero bakit meron saating mga magugulo yung isip? Meroong mga parang hindi talaga malaman kung ano yung gusto nila. Di ko maintindihan kung naguguluhan ba talaga sila o trip lang nila maglaro.
Hindi maganda tignan sa babae na nakikipaglaro. Dapat alam na natin kung ano dapat mga pina-priority natin. Hindi yung parang hanggang ngayun naguguluhan pa rin. Jusme ang mature na po natin. Alam na ang tama at mali, ang dapat at hindi.
Hay grabe. Pero wag kayong magalala. Tutulungan naman kayo ng ibang babae sa mga problema niyo eh, kailangan niyo nga lang magpatulong kasi pag ayaw niyong magpatulong kahit anong pilit naming tulungan kayo walang mangyayari.
Nagmamalasakit,
Elie.






