Limits
Lahat ng bagay may limitasyon. Kahit nga numero may limits eh. Yung sa math calculus diba may limits, ganun din sa totoong buhay.
Alam natin na yung mga number ay walang katapusan. Pero meron sa isang point meron limits sa math. Yung yung kung saan alam dapat natin kung hanggang saan lang magre-range yung numero natin. Kung sa totoong buhay, yung limit natin ay yung kung saan tayo dapat tumigil, at hindi na dapat tayo lumagpas dun kasi nga may limit.
Anong mangyayari pag niagpasan natin yung limit natin sa graph natin sa math? Diba mali at alam nating makakasira yun ng equation natin? Oo tama yun ganun din sa buhay. Pag nilagpasan natin yun limit na yun pwedeng may mangyaring mali at alam rin nating pwedeng masira yung mga bagay bagay sa paligid natin.
Kaya bilang isang indibidwal dapat alam natin yung limit natin para maging mas maayos yung daloy ng buhay natin.
(Source: zukari)






