Pusoy Dos
Grabe na ‘to…
Sobrang adik na talaga kami sa paglalaro ng Pusoy Dos. Tuwing wala pa kaming first subject maglalaro na kami niyan, maglalabas na ng cards dapat apat kami maglalaro pero ok lang rin kung tatlo lang TongIts nalang pag tatlo lang. Pagkatapos ng first subject maglalabasan nanaman ng cards yan. Tapos pag dumatin na tago na ulit.
Pagkatapos ng second subject break na namin ng 9am tapos next subject namin 11am pa kasi yung dalawang magkasunod iisa lang yung teacher namin at hindi naman siya pumapasok. Ang haba ng oras namin para maglaro. Dumadating sa puntong magkakasawaan na pero naglalaro pa rin kami. Bago pa mag 11am may magsasabi na saamin na ayusin na ulit upuan at balik muna sa realidad. Pagkatapos ng subect na yun lunch na at pwede pa kaming maglaro kung walang gagawin. At kung se-swertehen na walang papasok n teacher pagkatapos nun ay marathon nanaman kami sa paglalaro.
Sanay na rin kami tuwing may guard na magiikot sa buong school, meron at meron talagang isang tao sa labas na papasok sa room namin at sisigaw ng May Guard! May Guard! at isa isa na kaming magtatago ng baraha at cellphone. Tuwing may teacher din maysisigaw na ng Andyan na si Maaaaaaaaaaaaaaam! Alisto na rin kami.
Minsan nalang kami mahulihan ng cards. At dahil sa kaadikan namin meron pang Tag Team na naimbento. Ang saya lang. Pambansang laro ng batch namin.






