A talk to remember.
Kanina nung wala yung teacher namin sa English nag stay lang yung Adviser namin sa room at kinwento niya ang love story niya.
Ang astig lang ng mga naging love story niya kasi sa muka niyang yun hindi mo akalaing magagawa niya pala yung mga bagay na yun. Ang kinwento niya kanina yung nakarelasyon niyang babaeng mayaman na sobrang nirespeto daw niya hindi naman kaima-imagine sa kanya kung close kayo, parang napaka imposible pero hindi. Tapos pangalawa naman yung love story nila ng asawa niya, ang epic din kasi akala ko dati sa libro lang mababasa yung ganun nangyayari rin pala sa totoong buhay yun.
Dahil sa kwentuhan kanina nalaman ko na Love comes when you least expect it at saka With love anything is possible. Hindi ko inaakala na dahil sa pagmamahal na yan nakapagbago siya at di na niya ginagawa yung dating ginagawa niya para sa mahal niya. At saka sa hindi inaasahang panahon dun pala talaga lumalabas kung sino ang totoong para sayo at makakasama mo habang buhay.
(Source: zukari)






