December 2011
Mamayang 12 sabay sabay nating patugtugin yung...
Matutulog na ako.
Kayo rin guys. Wala na rin pala akong load .50cents nalang. Hahaha! Iba to ah. Nakakatamad rin mag load.
Sige! GOD Bless at sweet dreams sa inyo :) Goodnight
Galit ako sa ate ko ngayun.
Oo, galit ako kasi nautusan ako. Pero bakit? Nakakairita kasi sabi ni ate pagpasok niya dito pumunta daw ako sa kusina at pagsasaingin ako. Bakit kasi gutom ka na? Umakyat nga ako sabi ni mama si ate daw saingan ko. Galit na ako.
Buong maghapon ba naman kasi siya nasa loob lang ng kwarto. Bakit? Kasi kausap niya yung boyfriend niya nasa MALAYSIA, nasa ibang bansa. Eh...
Matagal tagal ko na rin palang natutugtog yung electric guitar ko.
Simula nung naadik ako matuto mag praktis ng mga finger style hindi ko na nagagamit yun. Kawawa naman siya.
Magse-search na nga ako ng pang electric, wag na muna yung classic na fingerstlye. I need improvements. Napagiiwanan na talaga ako ng mga ka batch kong nagigitara. Gumagaling na sila. Habang ako… Hahaha!
3 tags
Im bored.
Kaya manonood ako ng Harry Potter!
Later guys!
1 tag
I don’t get this love stories online na mababasa mo na ngayung kung saan saan.
It’s like napaka-typical nalang ng mga stories na nababasa ko ngayun. I don’t read that much pero when I do, parang pare-pareho nalang yung simula ng stories na “Hindi ako maganda churva, isa lang kaibigan ko chuchu, may poging lalaking matalinong mayaman na lahat na nasa kanya na crush ko o...
Conyo All Over My Dash
Unfollow time ! ;)
Ano ba to 95 na nga lang fino-follow ko mababawasan pa. Hahahaha! Anyways, its my online diary so, who the heck cares :P
1 tag
Gumawa kami ng Leche Flan ni mama para sa birthday ng pinsan ko sa isang araw.
Puteeek! Super perfect ng gawa namin ngayunnnnn! Super soft at sakto lang yung tamis! Grabe nakaka inlove to.
GUTOM NA AKO!!!
Kanina kasi wala akong gana kumain eh. Kaya cheescake nalang kinain ko.
Nagsisisi ako, gutom na ako. Ayoko pumunta sa kusina. Tinext ko ate na uwian ako ng pagkain sana naman maawa siya sakin. Sana rin kung maguwi siya yung masarap baka di ko rin makain yun kung hindi, ang choosy kasi ng bunganga ko ngayun eh.
Psychology
Marami-rami na rin nakapagsabi sakin na marunong daw ako magbigay ng advice. That may be true. But I don’t know. Im not sure.
Sa pagbibigay ko kasi ng advice lagi kong isinasaalang-alang lahat ng possibilities eh. Nagiging open minded ako tuwing nagbibigay ako ng advice at minsan I find it enjoyable. Nage-enjoy ako magbigay ng advice. Tipong napapaisip ako ng hindi ako napapagod. Hindi...
Patapos na ang 2011
Andami kong dapat pasalamatan. Number one na si Papa Jesus at si God.
Yung naging successful yung operation ni mama nung January. Yung nakatapos ako ng third year ng masaya. Yung kasama ko ung mga kaklase kong masasaya, nagkapag birthday ako ng masaya kahit hindi kumpleto yung friends ko nun. Yung nakapag training ako ng Taekwondo. Nakapag prom ako.Matibay pa rin kami ng friends ko. Nakapasok ako...
Don' judge each day by the harvest you reap, but...
BV pa rin ako dahil kagabi. Di ko talag alam kung bakit ako na BV. Basta lang.
Kaya kanina pag gising ko mga 10 na nun eh. Pinatay ko yung phone ko. Ayoko makatanggap ng mga text o kung ano eh. Hindi rin ako nagbukas ng PC, ngayung ngayun lang. Nakakairita kasi eh.
Nagvideoke nalang ako magdamag kanina. So ayun. Di na rin ako magtatagal. Wala ako sa mood eh.
JK doesn’t mean Joke it means Just Kidding.
You can make more friends in two months by...
Just because I let you go, doesn’t mean I wanted to.
Meron talagang mga bagay na alam nating dapat binibitawan natin kahit ayaw natin. Meron ngang kasabihan na bitawan mo pero pag bumalik sayo para sayo talaga.
Minsan hindi rin talagang maiwasang bitawan natin ang ibang bagay para sa ikabubuti ng sarli natin o ng mas nakakarami. Pero kahit hindi natin gusto gawin yun. Habang iniisip natin...
TWILIGHT
Sagad sa pagkabading. Faggot. Hahaha!
The best way out is always through.
- Robert Frost
I should go to sleep.
Dapat na siguro akong matulog.
May inabala pa akong iba na wag muna matulog para makatext ko lang. Bad ko. Inaantok na ako. Bukas naman siguro. Sana magising ako ng maaga para makumpleto ko naman yung gamot kong 3times a day na every 8 hours. Lagi nalang kasing dalawang beses lang kasi late ako gumigising. Para pala sa tonsillitis ko yun.
Last monday of this year na pala ngayun. Sana magenjoy...
My pain may be the reason for somebody’s laugh, but my laugh must never be...
– Charlie Chaplin
Mama: *nagising* oy. di ka pa natutulog.
Ako: Di pa.
Mama: Matulog ka na
Ako: Eh, mamaya na. Maaga pa.
Mama: Ha?
Ako: 12 palang oh.
Mama: Ay. Akala ko umaga na :D
Ngiti pa siya eh no? Pero dapat tulog na ako pero di pa ako dinadalaw ng antok. hahaha
Ang lamig
Bakit ngayun lang lumamig ng ganito ngayung December?
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yun feel na feel mong naka-kumot ka kahit walang aircon. Mas malamig pa nga to sa aircon eh. Masarap gumala tuwing hapon kung ganito yung panahon. Katulad kanina nakalabas ako ng hapon kasi nagsimba ako. Ang sarap sa pakiramdam nung simoy ng hangin.
Ang buhay ng isang Science High School student.
heartversusbrain:
greatkirby:
ejikolero:
myunendingdream:
Una sa lahat, kapag sinabi mong Science High School student hindi naman laging puro aral yan. Minsan may time din yung iba maglakwatsa, makipagdate o makapagbukas ng Facebook, Tumblr, Twitter at kung anu-ano pang blogging sites. Pero kung tatanong mo kung mahirap? Oo, mahirap. May mga pagkakataon ngang hindi ka na makatutulog...
God has prepared the right one for you since the day you were born.
Kaya wag tayo magalala kung wala pa man yung taong hinihintay natin ngayun. Dadating at dadating rin yan sa buhay natin. Kung marunong ka lang maghintay. Dadating yan sa perfect time sa buhay mo.
Chill ka lang. Relax, kung mamadaliin mo yan baka masira ang plano ni God sayo. Kaya chill, naka plano na yan bago ka pa man...
Paano ko cinelebrate ang pasko kagabi?
Eh hindi nga kami pumunta dun sa mga pinsan ko. Irita ako ng slight pero hindi nagpapahalata at baka mapagalitan pa ako.
So ayun, natapos kami magluto ni mama mga 7 na tapos naidlip muna ako kasi 10 pa naman kami magsisimba tapos ayun pinilit ko talagang magising para mag simba sumakit tuloy ulo ko kasi pag pinipilit ko gumising ganun nangyayari sakin....
MERRY CHRISTMAS!
Pagod ako.
Kahapon pa kasi kami nagsimula mag luto ni mama. Kahapon nagluto kami ng dalawang recipe ng Leche Flan, dami no? Ipapamigay naman kasi yun eh. Tapos nag prepare na rin kami sa buko pandan.
Kanina naman tinapos na namin lahat, kaming dalawa lang nagluluto. Naluto naman namin yung Baked Mac na masarap lasang Pizza. Hahaha. Tapos Buko pandan. Tapos yung puto na gawa sa Egg whites nung...
Nakakairita lang yun mga taong…
pag may problema sila parang naghahakot ng karamay. Kailangan ba maraming makiramay sayo sa problema mo? Di ba pwedeng isa lang? Tapos nagpaparinig pa. Whatevs, attention seeker?
Sa tingin ko naman kaya niyo ng masolusyunan yung sari-sarili niyong problema kasi matatanda na rin naman tayo at may sarili ng isip. Kung kailangan natin ng karamay dun tayo sa...
2 tags
Long Distance Relationships
Long distance relationships or LDR or whatsoever. I don’t believe na couples having LDR would last. Bakit ? Simple lang. Not seing each other palagi.
Sa tingin ko naman hindi makakabuti sa couple na hindi nagkikita. That’s a hard thing to do lalo na pag mas malayo yung distance niyo sa isa’t isa. Text and phone calls won’t do.
Sa isang relationship din diba...
GOODNIGHT WORLD!
1 tag
1 tag
Good Morning Messages
Siguro isa na sa pinaka magandang text yung natanggap ko kaninang umaga.
Well kasi every morning basta magising ako ng mga appropriate na para makatanggap ng mga text siguro mga 5am ganun kahit walang pasok madilat ko lang mata ko titignan ko na kung may text ako at para magtext na din pero balik tulog pa rin ulit ako.
Kanina pagkamulat ko may mga text na kaso puro GM. Nagulat nalang ako merong...
Ang sarap ng tulog ko.
Ang lamig ng panahon kanina tapos tumutugtog pa sa DVD player yung mga Christmas song. Ang sarap pakinggan napaka light at smooth ng mga kanta.
Ngayun ko lang nare-realize na malapit na talaga yung pasko. Weee.
Pilit kong ginagawang productive ang bawat araw ng bakasyon.
Eto ako at nakatutok sa harap ng computer pero hindi para mag tumlr at facebook lang. Nagpa-practice rin ako mag gitara.
Inaarak ko yung Here without you tsaka Right here waiting for you. Medyo gets ko na yung intro nung dalawang kanta pero nahihirapan pa rin ako magmemorize.
Hoping na pagkatapos nitong bakasyon na to nag improve na...
1 tag
I hate long nails.
Its just like ewww. Eto talaga pinaka ayaw ko sa buong buhay ko eh. Yung mahaba ang kuko lalo na sa kamay. Nadudumihan ako pag mahaba yung kuko. Its always nice to keep it short.
The best talaga sa feeling pag bagong guupit yung nails mo eh. Hindi yung mahaba tapos may dumi dumi pa sa loob. Eww talaga yun tignan. Tsk.
Wise men don’t need advice. Fools won’t take it.
– Benjamin Franklin
Christmas Party nga kanina.
So ayun, sumabay na ako kay Kuya papuntang school at akala ko nga di na ako makakarating ng buhay sa sobrang bilis niya magpatakbo ng motor akala mo sa kanya yung kalsada at walang mga tao, in fact maramin bata. Takot na takot lang ako grabe.
Tapos ayun nung nasa school na ako dun muna ako sa kabilang section tumambay nagpalobo ng mga balloons, hinintay yung mga...
Nagiimbeto ng Group Text para lang masendan yung taong guston makausap.
Para saakin napaka-FAIL nun para gawin. Like duh. Ampangit gawin nun. Ano ka ba? Ampaw ka ba? Isang PM lang di mo magawa kailangan pa gawing kunwaring GM. Napaka-loser ng tingin ko sa mga taong ginagawa yun.
Hindi naman kasi nakikita yung effort na ginagawa eh. Malay mo mapagkamalan talagang GM yung text mo at hindi mag...
1 tag
Nagising ako ng maaga para bumili ng damit.
Sabi ko pa nga dapat 9 prepared na ako kasi alam kong maraming tao mamaya at baka ma traffic pa. Buti nalang talaga sasamahan ako ni ate, di ko alam kung makakabili ba ako pag wala si ate eh. Eto mga plano ko mamaya.
Almusal na
Wawalisin yung kung ano mang pinapawalis ni mama
Maliligo na at gigisingin na si ate
Aalis na kami, bibili ng damit
Bibili...
WALEY.
Waley ngayung araw nakakainis. Nag brownout kasi, ngayun-ngayun nga lang bumalik eh. Kainis. Wala tuloy ako masyadong nagawa. Nagbalot lang ako ng regalo para sa party namin bukas.
Tapos ayun nga wala pa rin akong damit para sa Party namin sa school. Hay.. Whatevs. Magsisimba nanaman mamaya kaya waley pa rin magagawa. Tsk.
Wala pa akong pambili ng damit para sa christmas party.
Oh well. I dont care naman kung anong susuutin ko masyado basta komportable ako, di naman ako fashionista. Hahaha! Bibili nalang siguro ako ng bagong jeans tapos bahala na sa pang taas, bago pa naman yung sapatos ko.
Ilang oras lang rin naman yung christmas party pagtapos nun swimming na rin naman kaya i dont care that much pero wala pa...
Nakakapagod ngayung araw. Although GV ako sa school.
Panira lang yung Guard namin na nangga-gangster. Dala ko kasi yung gitara ko kasi hihiramin nung second year tapos ginangster ako pagpasok ko palang ng gate. HAPITERS si kuya eh, wala nga sabi sakin yung letter tapos pinaiwan pa dun sa gate. Akala kasi niya mura lang eh, pag nabasag yun dun papabayaran ko sa kanya yun eh. Yaman kasi niya eh...
2 tags
Nakapag Simbang Gabi ako!
Yey! Day 1 na tapos ko ng walang idlip idlip. Syempre ang galing kasi ni Father eh. Buti di ako inantok ng todo. Nagserve din yung kaklase ko tapos nakita ko si bestfriend tsaka yung isa ko pang kaklase.
Balak kong kompletuhin yung Misa de Gallo ngayung taon eh. Last year ata may kulang ako dalawa o tatlo. Pero ayun. Ayos lang at least palagi ako nakapag simba nun. Sana this time kumpleto ko.